At 'pag iyong dinama ang hangin na ito, matutukso ka. Tila isang panaginip na ayaw mo nang magising dahil sa mga pagkakataong gaya nun ay nabibigyan ng buhay ang isang pangarap. At darating ang mga segundo, minuto, at oras na maiisipan mong hanapin ang mga sagot sa mga katanungang unti-unting naglulunod sa iyo, ngunit may hahadlang na isang bagay na iyong pinagkaka-ingat-ingatan at ayaw mong pakawalan.
Pag tagal tagal, hindi mo mamamalayan ang papaalis na hangin ng nakaraan...hanggang sa tuluyan na itong mawawala sa iyong isipan. Ngunit mag-iiwan ito ng mga bakas ng pagdududa at ang panibagong sakit dahil sa mga tanong na hindi mo mahahanapan ng kasagutan. "
---Maki
02/28/08
02/28/08